Wednesday, February 19, 2020

Modern Church's Hidden Moralistic Message (pt2)

Si Peter Tan-Chi po ay sikat na speaker. Though marami din kamuka nya sa laman ng maling theology nila (dahil bunga po eto ng nature naten bilang haters of God, Romans 3:10ff), maganda mabigyan diin na si Peter Tan-Chi ay moralistic sa kanyang understanding ng gospel. Isa din reason bakit maganda mabigyan ng pansin si Peter Tan-Chi ay hindi sya katulad ni Bo Sanchez na ang objective ng kanyang mission is pera which hindi na kinakahya ang pagiging materialism. Instead ang objective ni Peter Tan-Chi, sa aking sariling assessment, ay moralism which is why appealing or patok sa maraming tao; na si Kristo ay lumalabas na example lamang para masunod ng tao. Pagka example lamang si Kristo, therefore hindi nabibigyan ng diin ang necessity ng Panginoon sa pagbigay ng kanyang buhay para sa Church; ang standard teaching po ay it is essential na mamatay si Kristo para sa glory ng Diyos. To give you an idea, eto ang mga magiging consequences kung hindi namatay si Kristo para sa kanyang Church, at the same time eto po ang nilalaman ng theology ni Peter Tan-Chi:

- Hindi makikita ang mercy ng Diyos - na iba eto sa mercy ng tao
- Hindi makikita ang justice ng Diyos - na iba eto sa justice ng tao
- Hindi makikita ang righteousness ng Diyos - na iba eto sa righteousness ng tao
- Hindi makikita ang wisdom ng Diyos - na iba eto sa wisdom ng tao
- Hindi makikita ang hopelessness ng tao sa kanilang kaligtasan
- Therefore hindi makikita ang glory ng Diyos - na also wala syang kaparehas.

Ang turo ni Peter Tan-Chi is about achieving ang characteristics ng Diyos sa paraan ng following good examples. Eto po ay nahuhulog sa Greek philosophy ng human virtue: honour, human sacrifice, self-control, contentment, love for truth, etc (see previous blogpost). Ang framework po ng kanyang theology ay Greek philosophy at pinapatungan ng Christian term to make it acceptable sa marami. Also it all appears good and acceptable dahil nakakabuti eto ng society in truth (e.g. crime free, drug free, etc). But ayon po kay Herman Bavinck, at agree po ako sa kanya, wala po syang salvation value. Ang tanging makakaligtas lang sa tao ay walang iba kundi ang gospel ng Panginoon. In contrast sa teaching ni Peter Tan-Chi, ang turo ng Biblia ay si Kristo lamang ang nag-achieve ng salvation naten at even ang progressive sanctification naten. Tawag po dito ay "perseverance of the saints." Though as Christians we appreciate ang moralism but it must be seen as under the theological category of common grace - which is displayed by God in man's consciences and it is meant to be used to seek God (Acts 17:26-28) and not replace Him (Romans 1:25). 

Another reason bakit appealing ang moralism ay, ayon po sa mga Greek philosophers, ang human virtues, na nakalist above and from my previous post, ay dapat ma-apply sa mga sumusunod na communities para masabing "man of virtue":

1) Marriage - dapat nagmamahalan or respetuhan sa bawat isa
2) Family - dapat meron sariling tradition or meaning of justice
3) Friendship - dapat masarap ang pagsamahan, walang plastikan, nakaka-relax
4) Employment - dapat mag-exercise ng honesty, loyalty sa superior or sa mga trabahador
5) Body Health - dapat pagkain ay healthy or paminsan minsan kain ng mga masarap
6) Arts - dapat meron freedom of expression

Mahalaga na mabigyan diin na eto pong mga nakalista ay ayon po sa Greek philosophers, hindi po eto Christian virtues or galing sa Biblia; inisip po eto ng mga magagaling na philosophers sa Greece tulad ni Aristotle, Plato, etc. At eto po ang nilalaman or motivation ng maraming churches ngayon na hindi Christ-centered. It is no wonder bakit maraming churches, na kahit hindi naman recognized as cults, ay pinanghahalagaan etong mga nakalista. But this is not the gospel. Wala po syang spiritual value. Wala po syang eternal value. Wala po syang glimpse of heaven. Wala po syang cherishing the presence of Christ. It is man-centered or moralism within sa church. Worst of all, tinatago eto sa ngalan ni Kristo Hesus na hindi alam ng marami na ang pinang-hahawakan pala nila na principles ay Greek philosophy at hindi ayon sa Christian message.

Again, hindi lamang po si Peter Tan-Chi ang nagtuturo ng ganitong framework ng theological moralism. I would say, lumalabas po eto dahil na sa nature naten ang moralism. Ang principle na mahalaga dito ay, kung hindi po tayo naka-sentro kay Kristo, mangingibabaw ang lakas at talino ng tao which is moralism. So kahit na ano po ang denomination ninyo, mapa-culto man tulad ng INC or Jehova's or even Reformed, kung ang puso mo ay hindi naka sentro kay Kristo, ang ministry mo or understanding is moralistic-centered instead of Christ-centered. Ang bida ay ang tao at ang kanyan performance hindi ang Diyos at ang kanyang performance. Ang Christian teaching po ay iniligtas po tayo ng Panginoon at kung anuman kabutihan lumalabas sa atin ay biyaya ng Panginoon. Ang turo ng moralistic gospel ay ikaw dapat magtrabaho or responsible sa buhay mo; ang turo ng Christian message ay ang Panginoon ang nagtatrabaho upang mapabago tayo.

Sa mga nagcoconsider pa po kay Peter Tan-Chi, mag-ingat po tayo sa mga pinapakinggan naten sa kanya. Actually meron pa, si Ed Lapiz. Sorry nalang sa mga kapatiran naten na nakatali duon. Sana panghawakan ninyo ang utos ng Diyos to "come out of her, lest you take part in her sins" (Revelation 18:4)

Tuesday, February 18, 2020

Ang Tunay na Cristiano at ang Hindi

"When they knew God, they glorified Him not as God." Romans." 1:21

"Kahit na kilala na nila ang Diyos,  Siya'y di nila pinarangalan bilang Diyos." Roma 1:21

Maaaring ang tao'y marunong at malinaw ang pakaunawa, kilala niya at alam ang kalooban ng Diyos, maraming alam Kay Cristo at sa Kanyang daan,  ngunit siya ay hindi lubos o hindi totoong Cristiano.

Oo, maaaring malinaw ang kanyang pakakilala ngunit ang kalooban niya ay hindi nabago. Maaaring may pagkaunawa siya na kilalanin ang Diyos ngunit wala naman sa kalooban niya ang sumunod sa Diyos. Ito ang sinasabi sa atin ni Paul sa ating talata.

Upang ang tao'y maging isang totoong Cristiano, dapat may liwanag  ang kanyang isip, at may init sa kanyang puso,  may kaalaman sa pag-unawa at kasipagan sa kanyang ginagawa. Ang iba'y masipag ngunit walang alam - ito'y bulag na debosyon. Ang iba'y maraming alam ngunit tamad -ito'y walang kwentang pakikipagsapalaran. Ngunit kung may alam na may kasamang kasipagan,  siya ay isang totoong Cristiano.

Ang kaalaman ay maaaring pumuno sa isip, ngunit walang saysay kung wala ito sa puso. Ang mga Pariseo ay marurunong, ngunit sila'y mga lahi ng mga mapagkunwari! Sayang,  gaano karami ang sobrang marurunong na nasa impyerno!

Hindi ang mga kaalaman tungkol sa Diyos at kay Cristo ang makapagdadala ng kaluluwa sa buhay na walang hanggan. Bakit ba ang mga demonyo ay mapapahamak? Kumpara sa mga tao,  mas marami silang alam tungkol sa Diyos, ngunit dahil sa pagkakasala, nawala ang kanilang kabanalan, gayunman, di nawala ang kanilang kaalaman. Ang tawag sa kanila ay daimones dahil sa kaalaman, ngunit sila ay diaboloi dahil sa masamang hangarin, demonyo pa rin.

Ang nagliligtas na kaalaman tungkol sa Diyos at kay Cristo ay kasama ang pag-ayon ng isip at pagsang-ayon ng kalooban. Ito ang kaalamang umaakay tungo sa buhay na walang hanggan. Kapag walang pinagsamang kaalaman,  pag-ibig at paggawa, siya ay wala kundi isang hindi lubos o hindi totoong Cristiano.

Ang totoong nakakakilala sa Diyos ay ang marunong sumunod sa Diyos, at siya'y sumusunod ayon sa pagkakakilala niya sa Diyos. "May mabuting pagkaunawa ang lahat ng nagsisisunod sa Kanyang mga utos" (Ps 111:10). Ang lahat ng pagkakilala kung wala ito, ay tulad ng larawan ni Nebuchadnezzar, na "ang ulo ay ginto, at ang paa ay putik."

Ang alam ng iba'y matuto lang.  Ang iba'y  matuto upang matanyag. Ang   iba'y matuto upang isagawa ang natutunan.

Ang matuto lang ay upang umusyuso. Ang matuto upang matanyag ay kayabangan.  Ngunit ang matuto upang isagawa ang natutunan ay ang gumaganap ng tungkulin sa Ebanghelyo - at ito ang kumukumpleto sa isang Cristiano. Ang iba na wala nito ay halos isa nang Cristiano, ngunit hindi ganap o hindi totoong Cristiano.

- Matthew Mead (1629-1699), "Almost a Christian Discovered"

Translated by Arnel Belando

Monday, February 17, 2020

Modern Church's Hidden Moralistic Message

Nasa nature ng tao ang magwork. Nakikita eto sa mga iba ibang culture na hindi naman alam ang Biblia o si Kristo. Kaya patok na patok sa mga maraming churches ngayon na eto ang itinuturo. Ang nakakalunkot ay ang pamaraan nila na itago ang kanilang method or framework ng kanilang paniniwala sa ngalan ni Kristo. Kaya hindi nakakagulat na marami din mga churches na kinilala na "matino" ay sumasabay din sa method ng moralism.

Mahalaga po na malaman naten ang difference between moralistic-centered at Christ-centered belief. Sa madaling salita, ang moralistic-centered ay man-centered, meaning ang magaling dito or ang karapat-dapat na may kaluwalhatian ay ang tao. Sa Christ-centered belief naman ang nararapat na bigyan ng kaluwalhatian or glory ay Diyos lamang:

"I am the LORD; that is my name; my glory I give to no other..." - Isaiah 42:8

Ayon po sa isang mahusay na dutch theologian na si Herman Bavinck sa kanyang book, Reformed Ethics, ang standard ng human virtue ayon sa mga Greek philosopher ay dapat meron mga sumusunod:

1) Reasoning - love for truth, studying, and science
2) Courage - manliness, self-sacrifice, honour, responsibility
3) Temperance - self-control, art of contentment

Importante din na mabigyan ng diin na ang mga Greek philosopher na eto ay hindi mananampalataya nor followers ni Kristo Hesus. May iba naniniwala na meron Diyos, pero hanggang dun lamang. Maganda din na mabigyan diin na ang kaalaman ng Greek philosophy ay napakataas kumpara sa mga ibang lahi. Dito po natin nakukuha mga tulad ni Plato, Aristotle, etc. Mga taong nagcommit ng buhay nila upang ma-define ang meaning ng buhay. At pag tignan naten ang philosophy ng Eastern culture ay hindi din nagkakalayo: Chinese, Japanese, etc. Subalit pag i-compare naten ang principles na naka-list sa taas sa katuruan ng Scriptures, hindi po eto nag-mamatch.

Ang katuruan ng Bible ay basically pananampalataya or pagdepende sa Panginoon. Na ang chief purpose ng tao ay sa Panginoon umasa ng biyaya, habag, buhay, katotohanan, wisdom, righteousness. Ang katuruan ng Greek philosophy, which is ang katuruan ng mundo, ay umasa sa tao making man the central figure and object of all glory. Ang katuruan ng Bible ay ang tao ay makasalanan at hopeless na magkaroon ng pagbabago, ng kaligayahan na tunay, at kapayapaan na tunay. At makukuha lamang eto sa pananampalataya kay Kristo Hesus lamang; ang grace ay mangagaling lamang sa Diyos walang iba pa. Though maraming tao sumikap na magkaroon ng kaligayahan, or kapayapaan sa buhay, at maaring nakuha nila eto, pero hanggang sa buhay lamang dito sa lupa. Wala syang eternal value. This is the reason bakit napakahalaga ang katuruan sa Biblia, dahil dito lamang ang makukuha ang mensahe ng kailangan ng tao.

Ang kinakalungkot ko na ang maraming churches ngayon ang framework ng kanilang ministry or teaching is moralistic or ayon sa Greek definition ng human virtue in the guise of Christianity. Eto po ay malaking kasalanan ng maraming churches ngayon. Ilista ko po dito ang ilan na kaya ko:

1) Taking God's name in vain (3rd commandment; Exodus 20:7)
2) Teaching another gospel (anathema or cursed; Galatians 1:8)
3) Idolatry (man worshippers or worshipping the created being rather than creator; Romans 1:22-23, 25)
4) Dishonouring God (making God look subordinate to man; Isaiah 42:8)
5) Grieving the Holy Spirit (not faithfully teaching the Word which is authored by the Holy Spirit; 2 Peter 1:21)
6) Grieving the true children of God (hungering for the truth; John 17:17)

Dahil din dito ay marami din mga tunay na anak ng Diyos ay hindi makatiis sa mga churches na eto at nagsisi-alisan naghahanap sa iba ibang lugar kung saan ang tunay na katotohanan ng Diyos.

Papano po naten malalaman na ang isang church ay central sa tao rather than sa Diyos? Ilista ko po dito ang ilan na kaya ko:

1) Ginagawa ang kabuuang Triune God or each member bilang example lamang para ma-fulfill ang human virtue ng Greek philosophy (see list above)
2) Ang rule ng church ay ang tradition na ginawa ng tao at hindi mula sa salita or grace ng Diyos
3) Ang objective ng message ay papano magiging masmabuting tao at hindi makita ang kalualhatian ng Diyos
4) Ang focus ay ang pagpatawa ng mga nakikinig or pagpapaganda ng mga awitan or "praise and worship" para makiliti ang damdamin ng mga tao

Ngayon, bakit patok eto sa mga iglesia ngayon? Dahil by nature tayo mga tao ay under sa "covenant of works". Ibig sabihin, by nature dino-diyos naten ang tao at hindi ang Diyos na hindi naten nakikita. By nature tayo po ay maka-lupa at hindi maka-langit. Kaya dahil dito sa situation na eto, kailangan naten ng grace ng Panginoon upang baguhin ang ating nature para tayo magkaroon ng genuine repentance, peace, joy, righteosness, wisdom, fear of God, true knowledge. Nasaan dito ang lakas ng tao kung gayon? Nasaan na ang talino ng tao kung gayon? Wala. Kailangan po naten ang Diyos, at hindi para makamit ang mga bagay na maka-lupa, kundi makamit ang mga bagay na maka-langit. Dahil ang tao ay dapat to "set your minds on things above, not on earthly things" (Colossians 3:2).

Eto po ang basic difference ng anak ng Diyos at anak ng tao. Ang anak ng Diyos ay nagtitiwala sa Diyos hindi lamang para sa buhay ngayon pero kundi sa buhay na walang hanggan. Ang spiritual na bagay, na ang Diyos lamang ang makakapag bago or pabuti sa atin. Ang anak ng tao ay nagtitiwala sa sariling gawa para makamit ang mga bagay na makalupa. Wala po silang idea ng heavenly things, dahil bulag sila sa mga divine things. One must be born again spiritually to see the kingdom of God (John 3:3). Eto ba ang tinuturo ng church ninyo? Or ang turo ba ng church ninyo ay kung papano yumaman, papano maging successful sa buhay, papano maging man of virtue ayon sa Greek philosophy?